Ako ba ay lulubayan ninyo
Sa pagtatanong kung ako’y may jowa o ano?
Batayan ba ito kung anong kasarian mayroon ako?
Bago manghusga, manong maging sensitibo sa orientasyon ko.
Ako ay disisais anyos
Malayo pa ang lalakbayin ko
May mga pangarap akong aabutin kayat maghunos dili kayo?
Bakit batayan ba ang jowa para sa antas ng tagumpay?
Bakit ba sa murang idad na ito, nagsisipagmadali kayo?
Gusto mo ba sya, o napipilitan ka lang?
Gusto ka ba nya, o panakip butas ka lang?
Tinamaan ka ba? E Kasi nakikiuso ka.
Hindi ba maari makiramdam muna at mag obserba?
Manalangin, magbasa, makinig ng katwiran at makipagusap sa may malawak na kaisipan?
Huwag maging matalino sa sariling alam
Anong pake mo kung ang tipo ko ay balbas sarado?
Pag marami bang testosterone,
lalaki ka na ba sa puso, galaw at damdamin?
Kapag ba naka lipistik, bestida at pagsuot ng mataas na takong ay babae ka na?
Narito ako para ipahayag na hindi po ako lito Babae po ako,
at hindi bakla Ipinanganak ako sa panahong may pantay na karapatan,
kaya ng sinuman ang hamon at pantay na kakayahan ng magkaibang kasarian.
Bakit Hindi natin pagtuunan?
Bigyang pansin ang mga kakayahan at kagalingan ng isang indibidwal?
Bigyan ng pagpupuri ang pamilyang nagtaguyod sa kanyang paglaki kahit may kaibahan?
Kung sya ay Hindi naging salot ng lipunan.
Wala tayong dapat pakialam kung ang kanyang kasarian
ay ayon sa kanyang matalinong pagpipili,
Yakapin man o hindi, ang biyolohical na kaanyuan,
Tuligsain man ng kamaganak o ng nakagisnang pagsamba,
Respetong pantao man lamang ay mailapat sa iyong kapwa.